...words are flowing..my heart is writing..

Friday, February 8, 2013

Punyal (dagger)

Ang dami ng papansin, pwede namang konti lang..
Tama bang ilahad ang lahat sayo, para lang mapag usapan?
Lahat ng tanong mo, nasa iyo ang kasagutan
E kung tanungin kaya kita..."Bakit ka ba ganyan?"

Wala akong makitang mali sa kanilang lahat..
Mahal ka nila, pero hindi sayo sapat..
Ano ba ang gusto mong panukat?
Kung papansinin ka bawat segundo, iyon ba ay sasapat?

Pilit mong pinapasok ang mundong hindi sayo
Gagawa ng mali, magtatanong ng payo..
Paano kaya kung sabihin kong napapagod na din ako
Hindi ko na alam ang takbo ng utak mo..

Wala silang mali ni isa, wala akong makita
Sapat lang na dahilan, di ka dapat mabigla
Sa mga inasal mong tila pakawala
Ano't ngayon nangangarap ka ng mundong sariwa?

Piliin mo ang mundo, ayon sa gusto mo
Sapagkat kulang ang pangaral at sanlibong mga payo
Bulag ka at manhid, wag kang matuliro
Pagkat pinili mo ang buhay na madumi at magulo...

 

No comments:

Post a Comment