...words are flowing..my heart is writing..

Monday, February 4, 2013

PLUMA

Naroon sa sulok nakakubli
Ayaw nyang makita ang lahat nyong mga ngiti
Paglipas ng umaga saka lamang dadampi
Ang tunay na mukhang may balot ng hapdi..

Tahimik ang paligid, tulog na ang lahat
Doon mo sya sundan, unti unti syang mumulat
Kukunin nya ang papel at paboritong panulat
At saka ang buhay nya ay unti unting idadaglat..

Pagsapit ng bukang liwayway
Ngingiti syang muli
Walang bakas ng luhang, noong gabi ay dumampi
Pagkat naisulat na ng pluma 
.....ang pagkukunwari...


No comments:

Post a Comment