...words are flowing..my heart is writing..

Thursday, July 21, 2011

DUMATING KA PARA MAGPAALAM

Hindi ko alam kung paano pipigilan ang pag luha
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang paalam ng nakangiti
Hindi ko alam kung paano kita yayakapin ng para bang kadarating mo lang uli
Hindi ko alam kung paano kita titingnan na para bang nandyan ka lagi.

Ilang libong beses kong iniwasan na isiping malapit ka ng magpaalam
Ilang ulit kong pinilit na alisin sa isipan
Ngunit habang papalapit ang araw ng iyong pag lisan
Gawing manhid ang puso – hindi ko maturuan.

Naalala ko tuloy ang aking kabataan
Hindi ba’t ganito din na habang kita’y hinahangaan
Isang iglap nawala ka ng tuluyan
Nangibang bansa daw, ng hindi nagpaalam..

Walong taon ang lumipas at muli kang bumalik
Nagulo ang mundo ko na nais na sanang matahimik..
Sa pagbabalik mo pinilit kong hindi umimik
Pagkat alam kong dala mo ang puso kong umidlip..

Apat na taon na mula ng bumalik ka
Apat na taon nang ikaw ang laging kasama
Mukhang pati itsura ko limot ko nang magisa
Maaring bang bago ka umalis ay muli mong ipaalala?

Ayokong magalit, ayokong magdamdam
Wala akong hinangad kundi ang yong kapakanan..
Kahit pa nga ang puso ko’y labis labis ng nasasaktan..
Lalo’t alam ko nang “DUMATING KA PARA MAGPAALAM..”

No comments:

Post a Comment