...words are flowing..my heart is writing..

Tuesday, July 26, 2011

Rejoice

This is day 2. Everything seems so fine. I give my thumbs up to the technology for bringing together best of both worlds.

Well morning isn't that great, heavy rain pours, stranded in traffic, car accidents everywhere, to site, is the bus who fell from sky way early this morning, (thank God my sister isn't there, though she was traveling along that area).

Piles of work keeps me busy, dint have much time to sleep alas! God has given me enough strength to make each day and carry His flag. Of course, Ross' absence fills in the air but I know that God has His own way of teaching us lessons in life, I always look at it as positive though, it really hurts being so far away from the person you are with everyday. Lot of adjustments were being practiced, but as the song goes, ALL THINGS ARE POSSIBLE with God. He is omniscient and I know that He wouldn't let Ross to go astray from Him, He'll guide Him as he did when he was still there, and He'll bless him as He did everyday.

The road may be too far from what is really destined for us, we will be facing different facades of life, hurts, dilemmas and everything, but amidst of all, it is the LEARNING that make us triumphant.

Doors cannot be close for any opportunities that may come along, doors should always be open for everyday learning, aches, pains, struggles and challenges, but at the end of the day, it is not the openness that matters, it is the many faces of life that enters and leaves pieces of knowledge.

Let us rejoice the gift of Life!!

Thursday, July 21, 2011

DUMATING KA PARA MAGPAALAM

Hindi ko alam kung paano pipigilan ang pag luha
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang paalam ng nakangiti
Hindi ko alam kung paano kita yayakapin ng para bang kadarating mo lang uli
Hindi ko alam kung paano kita titingnan na para bang nandyan ka lagi.

Ilang libong beses kong iniwasan na isiping malapit ka ng magpaalam
Ilang ulit kong pinilit na alisin sa isipan
Ngunit habang papalapit ang araw ng iyong pag lisan
Gawing manhid ang puso – hindi ko maturuan.

Naalala ko tuloy ang aking kabataan
Hindi ba’t ganito din na habang kita’y hinahangaan
Isang iglap nawala ka ng tuluyan
Nangibang bansa daw, ng hindi nagpaalam..

Walong taon ang lumipas at muli kang bumalik
Nagulo ang mundo ko na nais na sanang matahimik..
Sa pagbabalik mo pinilit kong hindi umimik
Pagkat alam kong dala mo ang puso kong umidlip..

Apat na taon na mula ng bumalik ka
Apat na taon nang ikaw ang laging kasama
Mukhang pati itsura ko limot ko nang magisa
Maaring bang bago ka umalis ay muli mong ipaalala?

Ayokong magalit, ayokong magdamdam
Wala akong hinangad kundi ang yong kapakanan..
Kahit pa nga ang puso ko’y labis labis ng nasasaktan..
Lalo’t alam ko nang “DUMATING KA PARA MAGPAALAM..”

SANA'Y UMULAN

Sana’y umulan
Upang maitago ang luha
Sana’y umulan upang hindi ako makita
Sana’y umulan, malakas, marubdob
Katulad ng pag ibig na ngayo’y tumitiklop
Sana’y umulan upang sa bahay ako manatili
Sandaling malilimot ang bawat sandali
Sana’y umulan, humangin ng malakas
Upang ang bawat salita ay hindi ko mabigkas
Sana’y umulan upang ako’y makatulog
At sana pag gising ko sana’y kumulog
Upang di ko marinig ang himpapawid
Kung saan ka unti unti nang tumatawid

Sana’y umulan, malakas,bumuhos
Upang hindi ko madama ang sakit ng pag-irog
Sana’y umulan upang hindi ko mamasdan
Ang pagkaway mong kahulugan ay paalam
Hangin sana’y lumakas upang hindi ko madinig
Bawat pag hikbi mong kay sakit.

Sana’y umulan, humangin, kumulog
Hanggang mabingi ako at makatulog
Pagkat di ko mamapipigil ang mundo
..sa pag inog
Di ko na mahahadlangan ang kagyat mong pag lisan.

Thursday, July 7, 2011

KUNWARI LANG..

Hapon na naman uwian na,
Pgdating ko ng terminal, tatawagan ka,
Wala kong maririnig kundi payak mong pagtawa
at pagkatapos lahat ng pagod ko’y nalilinot ko na.

Hapon na naman siksikan sa terminal
Madami kasing tao baka di ako makasakay
Ayaw ko kasing matagal kang naghihintay
At baka pagalitan dahil di nakapagsuklay

Hapon nanaman kasabay maghahapunan
May kasamang kulitan,
Maya maya magkakapikunan
Uuwi ng bahay may konting tampuhan..

Walang matutulog hanggat hindi nagbabati
Parang mga batang pinipigil ang ngiti
Walang text, walang tawag sandali
Kinikilig naman, nagagalit kunwari

Hapon na ngayon..nagsasanay ako
Kunwari kasama pa kita kahit na tuliro
Kunwari kausap ka, kasabay, kasama
Kunwari nandyan ka, kunwari lang talaga..

-carmi-