Saan ba natatapos ang isang tula?
Kapag ba naintindihan ito ng lahat ng nakabasang madla?
Hanggang saan ba natatapos ang isang tula
Kapag ba pumanaw na ang may likha?
Saan nga ba nagsisimula ang isang saknong?
Sa taludtod ba ng bawat pusong nagtatanong?
Sa mundong balot ng hinaing at galit ng panahon?
Saan matatapos ang tulang nagsusumbong?
Saan magsisimula ang isang tugma?
Sa isipan ba o sa puso ng mismong gumawa?
Sa saliw ba ng musikang pilit na dinaraya
ng tiim na damdaming sya lamang ang may nasa?
Saan nagtatapos ang isang saknong?
Sa bawat luha ba na pilit na ikinakanlong?
O sa bawat ngiting pinipilit iguhit ng alon?
Hanggang saan ba ang isang tula?
Kung hindi nya makita ang tunay nyang mukha?
No comments:
Post a Comment