Saang sulok ng kahapon ko ika’y itinayo?
Bakit ang harapin ang takot ko ay hindi mo itinuro?
Hindi mo sinabing tawirin ko ang kabilang dako
Kahit alam mong naroon ang aking puso
Bakit hindi ka sumigaw habang ako’y dumaraan?
Kung narinig ko ang tinig mo, hihinto ako, ikay hahagkan
Hindi ka nagsabing naroon ka lang naman
Sana’y hindi ko naisip na baka umulan, saka ang mga paa koy
baka masugatan
Hindi mo sinabing tumawid ka din naman
Bakit hindi mo hinanap, mga bakas ko nung dumaan?
Bakit sa panaginip ko hindi ka nagparamdam?
Sanay bumalik ako’t maayos na nagpaalam
Saang lupalop ng kahapon mo itinayo ang tulay?
Hindi ka nagpaalam, ni hindi ka kumaway
Wala kang sinabing sumunod ako at sumabay
Sana sa tabi mo doon ako naghintay.
No comments:
Post a Comment