...words are flowing..my heart is writing..

Saturday, October 29, 2011

Hanggang sa susunod na Album..

Narinig ko naman yung lyrics, nakita ko naman yung kanta
Nabasa ko halos lahat ng iniisip nila
Pero nagtatanong pa din ako, bakit hindi ako masaya?
Bakit naman kasi nakita ka pa,
E di sana ngayon, wala akong problema..

Pagtapos ng araw hindi din kita masisisi..
Hindi mo naman alam kung ano ang tunay na nangyari
Alam ko namang panaginip lang din ang dapat na isukli
Hindi naman kasi totoo ang lahat ng sandali..
Kumplikado nga ang lahat kaya hindi makangiti
Wala na ding dahilan pa, walang dahilan para bumawi
Mananahimik nalang ako, magso-sound trip palagi

Paano pare, hanggang dito nalang
Hanggang sa susunod na album, sa dating tambayan
Pasensya na kung hindi talaga kita pwedeng malapitan
Magiging kuntento nalang ako sa malayuan..
Ngingiti ako sa bawat mong tagumpay
Kasama ng panalangin kong, malimutan ka habang buhay..

No comments:

Post a Comment