...words are flowing..my heart is writing..
Showing posts with label PLUMA. Show all posts
Showing posts with label PLUMA. Show all posts

Wednesday, July 3, 2013

Yakap ko ang Kahapon

   

 Sobrang daming linya ang gusto kong isulat
Yakap ko ang Kahapon
Baka sakaling mapigil non ang luha sa pagpatak

Baka sakaling hindi na ako umiyak
At malimot muli ang iyong mga yapak..

Baka sakaling maipinta ko ang langit kahit wala ka

Baka sakaling marinig ko ang huni ng mga ibon kahit tuluyan ng nagiisa

Baka sakali..
baka sakaling malimutan din kita.


Monday, April 1, 2013

Sugat

Nakatingin sa kawalan,umaasa sa wala
Napakaraming buntung-hininga ang hindi mo magawa
Maraming sana, bakit, pwede kaya?
Paano mo yayakapin ang talinghaga?

Para bang multo ang paligid habang tinititigan
Ang lawak ng langit hindi mo matingnan
Ang dami ng kulang, hanggang saan at kailan?
Para bang alaalang pinipilit kalimutan..

Humahabi ng kwentong masaya ang katapusan
Kahit na ang luha ay wala nang pagsidlan
Tigib ang pusong lihim na sugatan
Pagkat kailangang ngumiti kahit na nasasaktan

Nakatingin sa parang, hanggang mag dapit-hapon..
Ang pag-ibig bay kukunin na ng panahon?
Maghihintay kayang  maubos ang alaon
O ang tubig sa karagatan kailan kaya hihinahon?

Matalim ang salitang hindi mo matalos
Para bang ibong ikinulong at iginapos
Impit na paghikbing hindi matapos tapos
Sa rehas ng mga kwentong may sugat at galos.