...words are flowing..my heart is writing..

Tuesday, August 23, 2011

SI GUADA AT SI TUPE


Minsan isang araw habang nasa parke
Nakita ko ang mag among si Guada at si Tupe
Ipinapasyal si Tupe sa paligid ng parke
Habang si Guada, matalim na nagmamatyag sa tabi.

Ang sabi ni Tupe.. “aw! Aw! Aw!”
Ang sabi ni Guada..”hmm..hmm.hmm..”
Sabay tingin sa kalsada at saka kumaway
May tuta palang parang naliligaw..

Nasundan ko hanggang sa pag uwi ang among magkaibigan
Nakatingin si Guada kay tupe tila ba nagdaramdam
Sa lilim ng poste, may lungkot na di ko malaman..
Ang mga mata ni Guada ay napaka lamlam..

Napahinto ako, sandaling nagisip..
Matapang ba si Guada o duwag na tahimik?
Nagmamalasakit ba si Tupe o sadyang naninipsip?
Nagmamahalan nga ba sila o sa isa’t isa’y kumakapit?

No comments:

Post a Comment