Maalala ko si Pedro at ang kanyang mga ngiti,
Ang singkit nyang mga matang sa akin lagi bumabati
Maaalala ko sya sa bawat pagdampi
Ng hangin sa aking pisngi..
Maaalala ko si Pedro at ang marami nyang karanasan
Ang halakhak nya habang sya ay luhaan..
Maaalala ko ang lahat
..kung paano syang nasasaktan..
Maaalala ko si Pedro tuwing darating ang tag ulan
Kung paano nya ako binigyan ng tirahan…
Sa kakarampot ngunit tangi nyang kakayahan..
Maaalala ko sya at ang lahat nyang kahinaan..
Maalala ko si Pedro tuwing tag araw
Kung paanong ang pawis nya, sa noo’y nanukal
Kung paano sya magdamdam
Sa mga taong labis nyang minamahal
Maaalala ko si Pedro at ang kanyang kakisigan
Ang katapangan nyang humarap sa totoong kahirapan
Maaalala ko ang lahat, malinaw sa aking isipan
Kung paano sya maliitin at hindi paniwalaan..
Maaalala ko syang ngumingiti habang labis syang nagdaramdam
Maaalala ko ang lahat ng kanyang kalungkutan
Sa mga mahal nyang walang pakiramdam..
Ang lahat ng hirap nya’y hindi ko malilimutan..
Maalala ko sya at walang araw na sya’y makakalimutan
Pagkat labis ko syang hinahangaan
Ang tanging lakas nya at hayag na katapangan..
Ay ang malinis nyang puso at dalisay nyang kalooban…